BASAG ang bungo nang mahagip at makaladkad ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Mesa, Maynila ang isang kasambahay kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Doneza de Guzman, 27, tubong Marinduque.
Ayon sa Manila Traffic Bureau, bumili ang biktima ng bigas sa EM Pascual Rice Store at papatawid ng riles nang mahagip ng tren na patungo sa direksyon ng Alabang .
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima matapos humampas ang ulo sa riles bago makaladlakd ng ilang metro .
Nauna rito, sinabi ng may-ari ng tindahan ng bigas na si Rod Hernandez na tila tulala ang biktima nang ibinigay niya ang sukli.
Ayon pa kay Hernandez, pansamantalang iniwan ng biktima ang biniling bigas dahil sinabing mayroon pa itong bibilhin sa kalapit na palengke.
Nagawa pang takpan ng biktima ang kanyang ulo bago pa man ito mahagip ng tren at tuluyang makaladkad.
Nabatid na nagtatrabaho ang biktima bilang kasambahay ni Elvira Dimasacat ng M. Araullo Street, Sta. Mesa.
The post Kasambahay nakaladkad ng tren, todas appeared first on Remate.