PATAY ang isang vendor makaraang tagain sa ulo ng kasamahang vendor sa Commonwealth Avenue, Quezon City kagabi, Marso 9, 2014.
Kinilala ang biktima na si Benjie Diaz, 38, ng 82 Ilang-Ilang St., Batasan, QC.
Si Diaz ay nasawi noon din dahil sa taga sa ulo.
Ayon kay SPO1 Rolando Lopez, desk officer ng Quezon City Police District (QCPD) station 6 Batasan, naganap ang insidente sa harap ng St. Peter Church Parish Church sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan, alas-10:45 kagabi.
Sinabi sa ulat na katatapos pa lamang magtinda ng biktima sa maghapon at pauwi na sa kanilang bahay nang tagain sa ulo ng kasamahang vendor ng buko.
Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek dala ang bolo na ginamit sa pananaga.
Hinihinala ng mga pulis na away sa puwesto ang dahilan ng krimen.
The post Vendor tinaga sa ulo ng kapwa vendor todas appeared first on Remate.