HUMANTONG sa madugong saksakan ang masayang selebrasyon ng kaarawan nang magsaksakan ang dalawang magkaibigan sa Alabat, Quezon.
Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Celso Barrantes, 42, ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Gilbert Calvario, 28, sa birthday party na ginanap sa bahay ng kanilang kaibigan nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Ilang minuto ang makalipas, umalis ang suspek ngunit nang bumalik ay may dala ng patalim at inundayan ng saksak ni Calvario ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Agad na tumakas ang suspek matapos ang pangyayari habang nadala naman sa ospital ang biktima.
Pinaghahanap pa ngayon ng pulisya ang suspek para panagutin sa pananaksak sa biktima.
The post Birthday party, nauwi sa madugong saksakan appeared first on Remate.