SWAK sa kulungan ang isang mister matapos halayin ang 7-anyos na babae sa puno ng saging sa Karisma compound, Panghulo, Malabon City.
Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610, child abuse ay nakilalang si Leonilo Villamor, 33, stainless welder at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, alas-7:00 ng gabi nitong Lunes nang maganap ang insidente sa puno ng mga saging sa nasabing lugar.
Matapos magsumbong ang bikitma sa magulang ay agad silang nagsadya sa tanggapan ng Womens and Children Protective Desk (WCPD) ng Malabon police para magharap ng reklamo laban sa suspek
Nauna rito, mag-isang naglalakad ang bikitma nang makasalubong ang lasing na suspek at hinatak siya saka dinala sa madilim na lugar at pinagsamantalahan.
Dahil sa nasabing reklamo, agad na inaresto ng mga barangay tanod ang suspek.
The post Manyakis na mister arestado sa Malabon appeared first on Remate.