TACURONG CITY, Sultan Kudarat-Tinuluyan ng kinasuhan ang suspek na itinuturo sa panggagahasa sa magkapatid na kapwa menor de edad.
Kinilala ang suspek na si Ariel Imra, residente ng Upper Eskwelahan, Siento Dies, Alabel, Sarangani province.
Sa ulat ni PO1 May Joy Panuncillo ng Alabel PNP, natutulog umano ang dalawang bata nang namalayan ng isa sa mga biktima na may pumasok sa kanyang ari kaya kinuha ang flashlight at laking gulat na nasa tabi na niya ang suspek.
Una rito si Imra ay pinatulog ng kanilang nakakatandang kapatid na lalaki sa kanilang bahay.
Samantala, ang kaso ay inihain na sa piskalya sa Alabel sa pamamagitan ng regular filing.
Hinihintay pa ng pulisya ang warrant of arrest para maaresto na ang suspek.