HUMINGI na ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng nurse na mula sa Bacolod City na namatay sa Riyadh, Saudi Arabia upang agad na maiuwi ang bangkay nito sa Pilipinas.
Dumulog sa DFA-Bacolod ang pamilya upang matulungan sila sa repatriation sa bangkay ng biktimang si Evelyn Delos Santos, 38, nurse na nagtatrabaho sa King Adull Aziz Medical City for National Guard sa Riyadh.
Maliban dito, hinihiling din ng pamilya na maimbestigahan ang totoong nangyari kaugnay sa kanyang pagkamatay.
Ang biktima ay natagpuang wala ng buhay sa kanyang silid noong Marso 7 at sinasabing namatay ito dahil sa dehydration.
Ngunit may duda ang pamilya na may foul play sa pagkamatay nito at maaaring may kinalaman ang mister nitong Egyptian.
Napag-alaman na noong Nobyembre 2013 lamang nagpakasal ang biktima sa Egyptian nitong mister.
Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima ngunit hindi pa naipalabas ang resulta.
The post Pinay nurse patay sa dehydration sa Saudi appeared first on Remate.