LIMANG tama ng saksak ng ice pick ang ibinaon sa dibdib at ibang parte ng katawan ng isang construction worker sa Port Area, Maynila.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, may indikasyon na nanlaban ang ‘di pa nakilalang biktima dahil sa tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Sinasabi namang dalawa ang suspek na may gawa sa pagkamatay ng biktima kung saan nagsilbing look out ang isa nang maganap ang krimen sa Block 1, Dubai, Baseco, Port Area, Maynila.
Tinitingnang anggulo ng pulisya na motibo sa krimen ay onsehan sa droga.
The post Construction worker utas sa inonse sa shabu appeared first on Remate.