Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot tigok sa boga sa Pasay

$
0
0

NAMATAY ang isang lalaki makaraang barilin ng isang lalaki kaninang madaling-araw sa Pasay.

Namatay pagdating sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Rosendo Castillo, alyas  “Boy Nano”, 44, ng 562 M. Delos Santos St., naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyoin ni SPO1 Rodolfo Soquiña, ang insidente ay naganap ala-1:21 ng madaling-araw sa Protacio at Tolentino Sts., Pasay City.

Bago naganap ang madugong insidente, nakasakay ng motorsiklo ang biktima para bumili ng pandesal.

Ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo nang biglang dumating ang isang lalaki at huminto sa kanyang likuran.

Armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril, biglang pinaputukan ang suspek na tinamaan sa kaliwang bahagi ng katawan.

Dinala pa sa Pasay City General hospital ang biktima, pero namatay din.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

The post Kelot tigok sa boga sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>