KINABAYO ng isang teenager ang kanyang 7-anyos na kapitbahay nang mag-init sa pinanood na porn video sa internet sa Quezon nitong Huwebes ng hapon, Marso 27.
Pansamantalang nakakulong sa Tayabas City Police Station ang 16-anyos na hindi pinangalanang suspek pero dahil sa pagiging menor-de-edad ay ililipat din agad ito sa Department of Social Welfare Administration (DSWD) para sa kaukulang disposisyon.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa mismong bahay ng biktima sa Tayabas, Quezon.
Bago ito, nabatid na nagmula sa panonood ng porn videos ang suspek sa isang internet cafe sa Tayabas.
Marahil tinablan sa maiinit na eksena ng lalaki at babaeng nagtatalik, nag-out na ito sa internet para magparaos na lamang sa kanilang bahay.
Pero pinasok ng demonyo ang kukute nito nang makita ang biktima na mag-isang naglalaro kaya binitbit ang musmos sa likod ng bahay na pag-aari ng ina ng biktima at doon ikinasa ang krimen.
Dumulog na lamang sa pulisya ang nanay ng biktima nang may makitang dugo sa maselang bahagi ng katawan ng kanyang anak na dinala agad sa Quezon Medical Center para sa physical at genital examination.
Hindi na nakapalag pa ang suspek nang damputin ng mga pulis sa kanilang bahay.
The post Teenager na-’L’ sa porn site, 7-anyos kinabayo appeared first on Remate.