NIYANIG ng magnitude 4.2 na lindol ang Cotabato, alas-9:18 Biyernes ng umaga.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa layong 21 kilometro (km.) hilagang-silangan ng Carmen ang sentro ng lindol.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 4 km.
Naramdaman ang pagyanig sa intensity 2 sa mismong bayan.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks.
The post Cotabato niyanig ng magnitude 4.2 na lindol appeared first on Remate.