UMAKYAT na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa mudslide sa Washington, USA nitong Marso 22.
Ayon sa Snohomish County officials, 90 iba pa ang nawawala matapos ragasain ng putik, bato at debris ang paanan ng Cascade Mountains sa Stillaguamish River sa Oso.
Nag-alay naman ng panalangin ang mga residente para sa mga pinaghahanap.
Nagdeklara na ng state of emergency sa Snohomish County si Washington State Lieutenant Governor Brad Owen kaugnay ng insidente at lumagda na rin si President Barack Obama sa emergency declaration sa paglalabas ng pondo para sa local relief efforts.
The post Patay sa mudslide sa Washington, 25 na; 90 missing appeared first on Remate.