NASAMSAM ng mga awtoridad ang ilang matataas na kalibre ng baril at drug paraphernalia sa isinagawang raid operations sa Misamis Occidental.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), kabilang sa mga nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 3 armas, 700 round ng bala at 15 sachet ng shabu.
Dalawa rin ang naaresto ng mga awtoridad sa raid na resulta ng inisyung search warrant ni Judge Sylvia Machacon ng Tangub City.
The post High-powered firearms nasabat sa Misamis Occidental appeared first on Remate.