NAKA-ALERTO na ang Cebu Provincial Police para sa ika-45 anibersaryo ng Communists Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), bukas, Marso 29.
Ayon kay Cebu Police Regional Director, Chief Supt. Danilo Constantino, handa sila sa posibleng pagganti ng mga rebelde matapos ang pagkaka-aresto sa mag-asawa na mga leader ng CPP-NPA.
Sa ngayon, hindi muna pinapayagang mag-bakasyon ang mga pulis sa Cebu bunsod ng banta sa seguridad sa lalawigan.
Kabilang sa mga binabantayan ng mga awtoridad ang mga rebel infested area lalo ang bayan ng Aloguinsan kung saan inaresto ang mag-asawang Tiamzon noong Sabado.
The post Anibersaryo ng NPA sa Cebu bukas, PNP nakaalerto appeared first on Remate.