IKINAKASA na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mas malaking multa sa mga kolorum na bus at iba pang pampublikong sasakyan simula sa ikalawang linggo ng Abril.
Ipinabatid ito ni LTFRB Chairman Winston Ginez matapos magpalabas ng joint administrative order kasama ang Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Ginez, P250,000 ang Joint administrative order, ang multa ay ipatutupad sa mga kolorum na utility vehicle sa halagang P120,000 sa mga taxi at P50,000 naman sa mga jeep.
Saklaw din ng bagong patakaran ang agarang suspensyon o kanselasyon ng lisensya ng mga drayber na lalabag sa batas trapiko.
Binigyang diin ni Ginez na ang nasabing hakbang ay para mapatino ang mga pasaway na driver.
The post Mas mataas na multa ikakasa vs mga kolorum na bus appeared first on Remate.