Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pinoy, 4 pa todas sa cruise ship safety drill

$
0
0

TODAS ang limang crew ng isang cruise ship kabilang ang isang Pinoy habang tatlo ang sugatan makaraang magsagawa ng emergency drill noong Linggo sa Canary Islands.

Nabatid na bumigay ang kable ng isang lifeboat kung kaya tuluyang tumaob at lumubog sa lalim na 20 meters (65 feet).

May tatlong iba pang sakay ng lifeboat ang nasugatan din sa isinasagawang mock rescue exercises ng Thompson Majesty na operated ng isang British travel group na TUI Travel plc. at tatlo sa mga nasawi ay kinumpirma ng kumpanya na Indonesian, isang Pinoy at isang Ghanaian.

Naka-angkla ang barko sa La Palma, Santa Cruz nang mangyari ang aksidente na may 1,498 na pasahero ang sakay.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pangyayari at nangako ng tulong ang kumpanya sa pamilya ng mga nasawi.

“We are working closely with the ship owners and managers, Louis Cruises, to determine exactly what has happened and provide assistance to those affected by the incident,” ayon sa Thomson Cruises.

“The thoughts of all seafarers will be with the friends and families of those who have lost their lives in this tragic incident.

“Once again the spotlight is on the issue of safety in the UK shipping and cruise industry and RMT awaits the outcome of the investigation and recommendations that can prevent any repetition of today’s shocking events,” ayon pa sa kumpanya.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129