Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: PBA cager Bryan Gahol tigok sa banggaan sa SLEx

$
0
0

PATAY sa karambola ng tatlong sasakyan sa South Luzon Expressway (SLEx) northbound ang isang dating PBA basketball player at babaeng kasama nito.

Sangkot sa aksidente ang isang cargo jeep, trailer truck at van kung saan nakasakay si Bryan Gahol na dating PBA player.

Sa inisyal na imbestigasyon, unang binangga ng cargo jeep na nasa center lane ang trailer truck na nasa right outer lane.

Pagtama sa truck, kumabig naman ang jeep sa kaliwa kaya tinamaan sa left inner lane ang Nissan Urvan (ZFK 893).

Nawalan ng kontrol ang Urvan at umikot bago pa mabundol ulit ng jeep at nadaganan.

Galing sa Laguna sina Gahol at patungo sanang Commonwealth sa QC para dumalo sa isang lamay kasama ang tatlo pang kaibigan.

Kargado naman ng mga sibuyas at gulay ang cargo jeep na mula San Jose, Occidental Mindoro at may 11 na sakay.

Sugatan sa insidente ang dalawang sakay ng jeep na sina Johnny Bangsoy at Felix Gonatisie, habang ligtas naman ang tatlo pang sakay ng yuping-yuping Urvan.

Hawak na ngayon ng HPG ang driver ng cargo jeep na si Alfredo Abe at driver ng truck na si Felix Moztaza.

Nagdulot ng matinding traffic ang aksidente, at umabot pa ang dulo nito sa parte ng Southwoods sa Laguna.

The post UPDATE: PBA cager Bryan Gahol tigok sa banggaan sa SLEx appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>