LAOAG CITY – Isinugod sa ospital ang 12 bumbero ng Bayan ng San Nicolas, La Union at Ilocos Norte dahil sa kinain nilang isda kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Fire Inspector Roxanne Parado, chief of administration ng local na Bureau Fire Protection (BFP) ng Ilocos Norte, anim ng miyembro ng BFP ang nalason mula sa San Nicolas at anim din sa Ilocos Norte.
Ayon kay Parado, bago maganap ang insidente, bumili umano ng isdang “tangi” at “dumadara” ang mga biktima na kanilang inulam at ginawang pulutan sa inuman.
Ilang minuto ang matapos kainin ang mga nasabing isda, biglang sumakit ang tiyan ng mga biktima at nakaramdam ng pagkahilo at nakaranas ng pagsusuka.
Agad na dinala sila sa Gertes Hospital sa bayan ng San Nicolas at doon nilapatan ng gamot.
Walo pa sa mga biktima ang kasalukuyang naka-confine sa nasabing ospital habang pinauwi na ang apat matapos ang panggagamot.