IDINITALYE ni Jail S/Supt. Herman Grande, Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung paano naisakatuparan ng 16 na mga preso ang pagpuga habang nagsasagawa ng Bible study sa Calbayog City Jail.
Ayon kay Grande, sabay-sabay tinutukan ng kutsilyo ng nasabing mga inmates ang apat na mga jail guards na nakabantay sa loob ng nasabing pasilidad bago dinis-armahan.
Nabatid na galing sa loob ng selda ang nasabing mga armas na ginamit ng mga preso sa pagbanta sa mga jail guards na naging daan naman sa pagiging matagumpay na pagtakas nila.
Sa ngayon, nagtutulong-tulong na ang pinag-isang puwersa ng mga kasundaluhan, kapulisan at maging mga residente para sa ikadadakip ng nasabing mga bilanggo.
Mahigpit na rin ang ginagawang checkpoints sa lahat ng entry at exit point na posibleng daanan ng mga ito.
The post Mga guwardiya tinutukan ng kutsilyo, inmates nakapuga appeared first on Remate.