ITINAYAHA sa bangketa ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na hinihinalang salvage victim sa Quezon City kaninang umaga, Abril 3.
Bukod sa nilaslas ang leeg, nakitaan din ng mga saksak ng icepick ang iba’t ibang parte ng katawan ng hindi nakikilalang biktima.
Nakitaan din ito ng mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng BCJ at iba pang tattoo na palatandaan na labas-masok na ito sa kulungan.
Blangko pa ang Quezon City Police District (QCPD) kung sino ang responsable sa krimen pero sa pamamaraan ng pagpatay sa biktima ay hinala nilang kagagawan ito ng grupong galit sa mga taong nagsisilbing tinik sa lipunan.
Sa ulat, natuklasan ang krimen alas-6:15 ng umaga sa may bangketa ng Tandang Sora Avenue sa Novaliches.
Bago ito, inakalang lasing lang na nakatulog sa bangketa ang biktima pero nang lapitan na ito para gisingin ay may nakitang dugo na umaagos sa leeg nito.
Wala namang makapagsabi kung sino ang nagtapon sa naturang salvage victim pero tiniyak na sa ibang lugar ito pinatay at saka itnapon sa lugar para ilihis ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD.
The post BCJ member, sinalvage sa QC appeared first on Remate.