INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya kung sadyang nagbigti o binigti ang isang 59-anyos na clerk ng Department of Public Works and Highways na natagpuang nakalambitin sa inuukupahang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kaninang madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Larsaul Belleza, 59, biyuda at taga-143-C Road 2 St., Sta.Mesa, Maynila.
Sa report ni SPO1 John Charles Duran, pasado alas-3 nang makita ng kanyang pamangkin na si Pamela Bellezsa, 18, ang biktima na wala ng buhay ang kanyang tiyahin na umookupa sa 3rd floor ng kanilang bahay.
Wala naman umanong nakitang sugat sa katawan ng biktima maliban sa bakat ng isang bagay na ipinulupot sa kanyang leeg at dugong lumabas mula sa bibig nito.
Wala din umanong nawawalang gamit sa biktima kaya inalis na ang anggulong pinagnakawan ito bago pinatay.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng krimen at makilala ang responsable sa pagpatay sa biktima.
Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.
The post Pagkamatay ng clerk ng DPWH, iniimbestigahan appeared first on Remate.