ITATAAS ng Philippine National Police (PNP) ang antas ng kanilang Automated Fingerprints Identification System (AFIS) para malinis laban sa unscrupulous personnel.
Sinabi ni PNP chief Director General Alan Purisima na mismong si Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II ang naatasang pangunahan ang pakikipag-koordinayon sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Justice at ng Department of National Defense sa pagpapatupad ng programa.
“In light of emerging crime incidents involving uniformed personnel and other government agents as crime perpetrators, the PNP will implement the lifting of tenprints from all government employees and officers,” pahayag ni Purisima.
Sinabi ni Purisima na ang kapulisan ang magkakasa ng fingerprints sa mga personnel mula sa ibang ahensya kabilang ang Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, Armed Forces at local governments.
Sa pamamagitan ng AFIS, madaling maikumpara ng awtoridad ang pinakahuling prints ng mga criminal na nakuha sa crime scene sa sistema ng database sa pag-click lamang ng mouse ng isang computer, dagdag pa nito.
Sinabi ni Purisima na si Directorate for Investigation and Detective Management sa ilalim ni Chief Superintendent Francisco Don Montenegro ang nag-conceptualize ng proyekto na may halagang P5.77 milyon.
Ang programa rin, aniya, ay para sa programa ng PNP’s policy na transparency, impartiality at objectivity.
Ang mga tiwali aniyang government personalities ay madaling makilala sa pamamagitan ng pagkakasa ng scientific method na ibibigay ng AFIS.
Sinabi naman ni Montenegro na ang PNP ay mayroong modern at scientific investigative tools, facilities at equipment para sa solusyon sa krimen.