Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ginang na hinihinalang sangkot sa iligal na droga, tinodas

$
0
0

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan sa iligal na droga ang nangyaring pamamaslang sa 52-anyos na babae na binaril ng malapitan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla ang biktimang si Edna Tambagahan, residente ng 1830 R. Tankian St. na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likuran ng ulo na kaagad niyang ikinamatay.

Lumabas sa imbestigasyon ni PO3 Giovanni Arcinue ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, alas-8:30 ng umaga ng maganap ang insidente habang kausap ng biktima ang nakababatang kapatid na si Yolanda Asuncion, 44, sa kahabaan ng E. Rodriguez St.(dating Salud St.) , malapit sa kanto ng R.Tankian nang dumating ang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na duguang bumulagta. Habang nakabulagta ang ginang, muli siyang binaril ng salarin upang matiyak na hindi mabubuhay bago mabilis na tumakas patungo sa gawi ng F.B Harrison St.

Ayon kay Arcinue, nasangkot na sa iligal na droga ang biktima at nakulong na dahil din dito may ilang taon na ang nakaraan.

Napagalaman na tinaguriang drug street ang Salud Steet dahil ang naturang lugar ang nagiging kuta ng mga drug pushers at drug users bago nagpasa ng isang batas na nagpapalit sa pangalang E. Rodriguez Street.

Nakuha ng pulisya sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala na hinihinalang mula sa baril na ginamit ng salarin.

The post Ginang na hinihinalang sangkot sa iligal na droga, tinodas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129