ISANG bungo ng tao (human skull) ang natagpuan ng isang mangingisda sa ilog sa Navotas City, Lunes ng madaling araw.
Ganap na ala-1:00 ng madaling araw ng matagpuan ni Jhonny Setenta, 25-anyos, binata, ang bungo na nakasilid sa isang bag pack habang nakalutang sa tubig.
Ayon kay Setenta, kinuha niya ang bag at nang kanyang bukasan ay tumambad sa kanya ang bungo.
Ipinagbigay ni Setenta ang natagpuan sa Police Community Precint 13 (PCP-13).
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung ang bungo ay biktima ng karumaldumal na pagpatay.
Ipinadala na sa PNP-Camp Crame Laboratory ang bunog para maimbestigahan kung ito ba ay isang lalaki o babae.