“SI Col. Conrado Villanueva ng Tanza Police ang nagpapatay sa akin!”
Ito ang binitiwang pahayag ng pinaslang na reporter ng pahayagang Remate bago tuluyang binawian ng buhay ayon sa pahayag ng kanyang mga anak.
Lumalabas na habang isinusugod sa pagamutan ang biktima na si Rubilyn “Rubie” Garcia matapos pagbabarilin ng tatlong suspek sa kanilang bahay ay nagawa pa nitong sabihin sa kanyang mga anak ang kanyang killer.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-9 kaninang umaga nang barilin si Garcia, 52, Remate Cavite correspondent ng tatlong armadong lalaki sa mismong bahay nito sa Bgy. Talaba 2, Bacoor.
Ayon pa sa mga anak ng biktima, bago ang krimen ay nabanggit pa ng kanilang ina na may nakasagutang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) si Garcia.
Patuloy naman sa pagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.
The post Bago binawian ng buhay: Killer nainguso ng Remate reporter appeared first on Remate.