Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Motorsiklo nahagip ng trak sa QC, 4 sugatan

$
0
0

SUGATAN ang apat na magkakamag-anak makaraang mahagip ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Mindanao Avenue, Quezon City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang mag-asawang sakay ng motorsiklo na sina Tito Cerrado, Eloisa Ortegera, mga anak na sina Trisha, walong-taong gulang at Tristan, 6.

Nabatid na galing sa Malinta, Valenzuela ang Pamilya Cerrado sakay ng motorsiklo at patungo sana sa Barangay Talipapa upang dumalo sa binyag ng isang kamag-anak.

Subalit habang tinatahak ang southbound ng intersection ng Mindanao Avenue Extension at North Luzon Expressway (NLEx), nahagip sila ng nakabuntot na delivery truck ng softdrinks.

Aminado naman ang driver ng trak na si Harisson Datu-Ty na hindi kumagat ang preno ng sasakyan kaya nahagip ng kanang bahagi ng bumper ang motorsiklo.

Hawak na ng awtoridad si Datu-Ty na napag-alamang walang lisensya dahil naisuko na niya ito sa isang traffic enforcer nang mahuli siya noong Marso 7 dahil naman sa kawalan ng daylight ng minamaneho niyang trak.

The post Motorsiklo nahagip ng trak sa QC, 4 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129