BANGKAY na nang ilabas sa hotel ang isang lolo matapos magbitbit ng babae sa Butuan City kaninang madaling-araw, Abril 7.
Nakasuot na lamang ng itim na t-shirt at brief nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Virgilio Meir Dargante, 51, ng Barangay Mahaplag, Leyte.
Hinihintay naman ng pulisya ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima para malaman kung inatake sa puso habang natutulog o kung may kinalaman sa pagkamatay nito ang nakitang sugat sa kanyang leeg.
Natuklasan ang krimen alas-2:30 ng madaling-araw sa isang kuwarto ng naturang hotel.
Bago ito, nag-check-in ang biktima sa nasabing hotel nitong Linggo ng gabi kasama ang isang babae.
Pero nang mapaso ang short time na tatlong oras, tinawagan ito ng hotel personnels para tanungin kung magpapalawig pa ng kanilang pananatili pero hindi ito sumagot.
Sa pangambang may nangyaring masama, pinakatok na sa mga roomboy ang kuwarto at tumambad sa kanila ang wala ng buhay na biktima.
Wala na rin ang babaeng kasama nito na ngayon ay tinutugis na para imbestigahan sa insidente.
The post Lolo tumirik sa hotel sa Butuan appeared first on Remate.