ISA ang patay habang isa ang sugatan sa sunog na naganap sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City kaninang tanghali, Abril 8.
Kinilala ang namatay na si Imperatres Pagunsan, 67, makaraang ma-suffocate sa kanilang nasusunog na bahay habang sugatan naman si Jayson Andrada, 19, at agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Nabatid na nagsimula ang sunog sa Isidora Hills, Bgy. Holy Spirit, QC ala-1:00 ng hapon.
Sinabi ni Fernandez na aabot sa 30 bahay ang tinupok ng apoy at 60 pamilya ang nawalan ng bahay sa naturang sunog.
Umabot ang sunog sa 3rd alarm at ganap na na-fire out ala-1:40 ng hapon.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
The post 1 patay, 1 sugatan sa sunog sa QC appeared first on Remate.