Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drug pusher utas sa shootout

$
0
0

TUMIMBUWANG ang isang drug pusher matapos makipagbarilan sa operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa North Cotabato nitong nakalipas na Abril 4, 2014.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nasawing suspek na si Berwil Carlos, alyas Botyok residente ng Barangay Balogo, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon sa PDEA dakong 11:05 ng umaga nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) at PDEA ARMM sa isinagawang buy-bust operation sa BarangayBalogo, Pigcawayan, North Cotabato.

Matapos ang transaksyon at iabot ang hinihinalang droga sa isang poseur-buyer  agad sumugod ang mga operatiba ng PDEA saka bumunot ng kanyang kalibre .45 pistola ng baril ang suspek at binaril ang mga papalapit na awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad at nakipagbarilan sa suspek at tinamaan ang suspek saka isinugod sa Mount of Blessing Hospital, Libungan, North Cotabato subalit idineklara itong dead on arrival sa naturang pagamutan.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, pitong piraso ng maliit na transparent plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at isang Colt caliber .45 pistola ng baril at P100 piso na marked money na ginamit sa buy-bust.

Ayon sa ulat ang nasawing suspek ay may standing warrant of arrest din na carnapping sa sala ni Honorable Lily Lydia Laquindanum, Presiding Judge ng Regional Trial Court 12, Branch 24 na may petsa na Pebrero 26, 2014.

The post Drug pusher utas sa shootout appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129