Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P6-M shabu nakumpiska sa Marikina

$
0
0

AABOT sa P6 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang drug operation ng pulisya kaninang umaga sa Marikina  City.

Ani Marikina City PNP chief P/Sr. Supt. Vincent Calanoga, alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Anti- Illegal Drugs Special Operation Task Force (SAIDSOTF) sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Glen Aculana sa Singkamas st., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

Nabatid na isang linggong nagsagawa ng surveillance  operation ang SAIDSOTF sa nsabing lugar bago isinagawa ang operasyon.

Kabilang sa mga nasakote ay sina  Miralona Iyana Pimba, ng Singkamas st., Brgy. Tumana; Salim Lala Pimba, ng #40 Singkamas St.; Albert Alipato, ng Daisy St., Minahan, Brgy. Malanday; Elaine San Jose Medina, ng  68 Palay St., Tumana  at Aldrin Catdoy Rebusto, 27-anyos ng #24 Daisy St., Brgy. Malanday, pawang ng Marikina City.

Nabatid na aktong nadakip sina  Alona at  Salim nang ibigay sa poseur buyer ang halos hindi pa mabatid na kantidad ng shabu kapalit ang halagang P20,000.

The post P6-M shabu nakumpiska sa Marikina appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>