Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bahay ng magkaibigan, nilooban ng akyat-bahay sa Maynila

$
0
0

TINATAYANG P127,500 halaga ng cash at mga alahas ang natangay sa dalawang magkaibigan ng hinihinalang mga akyat-bahay sa Malate, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang mga biktimang si Kassandra Jay Ibañez, 26, dalaga, Company Trainee at Kenee Lynn Cabanero, 28, dalaga, Government employee, kapwa ng 2011 Smith St., Singalong, Malate, Manila.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng 12:05 ng madaling-araw noong Abril 9 hanggang 11:00 ng gabi ng Abril 14 sa inuupahang bahay ng magkaibigan.

Nabatid na alas-12:00 ng madaling-araw noong Abril 9 nang umalis sa kanilang bahay ang magkaibigan para sa isang bakasyon at 11:00 kagabi nang bumalik ang dalawa subalit napansin nila na may bahagyang sira ang pintuan ng kanilang bahay.

Nagkatotooo ang kanilang kutob nang nalaman na nawawala ang kanilang Dell notebook tablet (P23,000); Asus Laptop (P16,000); HP laptop (P75,000), Swaroski white gold pendant (P3,000); hikaw (P1,500) at P3,000 cash.

Sa imbestigasyon, may senyales ng forcible entry sa bahay ng magkaibigan ang hinihinalang mga akyat-bahay habang wala ang mga ito.

The post Bahay ng magkaibigan, nilooban ng akyat-bahay sa Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>