Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki sinundan ang mga kapatid sa pagbibigti

$
0
0

SINUNDAN ng isang lalaki ang ginawang pagpapakamatay ng kanyang kuya at ate makaraang magbigti ang una sa loob ng kanilang banyo sa Caloocan City, Lunes ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital si Johnson Cielo, 23, ng Barrio Concepcion Dulo, Tala, ng lungsod.

Sa pahayag ng ina ng biktima, alas-11:30 ng umaga, iniwan niyang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay upang mamalengke.

Dakong 12:46 ng tanghali, pagbalik ng ginang sa kanilang bahay, hinanap niya ang biktima subalit hindi nakita hanggang sa may nagsabing pumasok sa banyo.

Kinatok ng ginang ang pinto ng banyo subalit walang sumasagot dahilan upang humingi ng tulong at sapilitan buksan at nakita ang biktima na nakabigti ng alambre.

Kinalag sa pagkakabigti ang biktima bago dinala sa JRMH kung saan nabatid na noong Abril 2013 ay nagbigti rin ang kuya nito habang nitong nakaraan Marso ay ang ate naman nito ang nagbigti.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play at ang dahilan para sumunod na magbigti ang biktima.

The post Lalaki sinundan ang mga kapatid sa pagbibigti appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>