HINOLDAP na, tinangay pa ang taxing minamaneho ng isang taxi driver nang dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City Miyerkules ng umaga, Pebrero 13.
Sa pahayag ng biktimang si Nelson Castro, 52, dakong alas-11:10 ng gabi, sakay niya ang mga suspek sa dalang taxi na (TYE-502) at pagsapit sa 6th avenue ng lungsod ay nagdeklara ng holdap.
Kinuha ng mga suspek ang pasada ng biktima na P1,500 bago pinababa ang biktima at tinangay ang taxi.
Nagsumbong sa mga pulis ang biktima kung saan inaalam na kung sino ang mga suspek.