ARESTADO ang isang municipal councilor at dalawang kasamahan nito sa Mamburao, Occidental Mindoro matapos pagbilhan ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA noong Pebrero 8, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na si Joseph Isidro, 27, incumbent municipal councilor ng Sta Cruz, Occidental Mindoro at residente ng Barangay Alakaak, Sta Cruz, Occidental Mindoro; Richard Supreiano,39, may-asawa, tricycle driver at Jacqueline Madrigal, 46, may-asawa, housewife, kapwa ng Barangay 9 Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon sa PDEA dakong 9:00 ng gabi pumayag ang mga suspek na makipagkita sa isang poseur-buyer ng PDEA sa Barangay 9 Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro na pagbilhan ng dalawang sachet ng shabu.
Matapos iabot ang droga sa under cover agent at iabot ang buy-bust money agad dinakip ang mga nabiglang suspek.
Ayon kay Cacdac ang suspek na si Madrigal ay kilalang notorios drug pusher sa kanilang rehiyon dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26b (Conspiracy to Sell), Article II of RA 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek.