Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P.5M naibulsa ng kawatan sa QC

$
0
0

KAHIT panahon ng dapat paghingi ng tawad, panloloob pa rin sa dalawang kabahayan ang inatupag ng mga kawatan sa Quezon City nitong nakaraang Semana Santa.

Ang unang biktima ay nakilalang si Rohvel Yumul, 39, sa mismong bahay nito sa Forest Hill Subdivision sa Barangay Gulod, Novaliches.

Wala si Yumul sa kanyang bahay nang maganap ang panloloob na malamang na nangyari sa pagitan ng Miyerkules at Huwebes Santo, pahayag ni police investigator Fernando Tanghay.

Nawalan si Yumul ng P185,000 na halaga ng gadgets, collectible toys, damit at sapatos.

Sa pagsisiyasat ng QCPD, sinira ng mga suspek ang unahang pintuan ng apartment ni Yumul.

Nito namang nakaraang Biyernes Santo, isa pang panloloob ang iniulat sa Road 20, sa  Barangay Bahay Toro.

Ayon sa pulisya, wala rin sa kanyang bahay ang biktimang si Fortunato Lamoglia, 24, nang sumalakay ang mga suspek.

Ayon sa biktima, natangay ang kanyang relos, alahas at isang Blackberry cellphone, na may kabuuang halaga na P300,000.

Naganap din ang panloloob sa pagitan ng 1 p.m. at 7:30 p.m. habang si Lamoglia ay nasa bakasyon. Sinira rin ang unahang pintuan ng bahay ng biktima.

The post P.5M naibulsa ng kawatan sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129