APAT katao ang naitalang patay sa pagkalunod sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon nitong Semana Santa.
Sa Sariaya, naliligo sa Bignay II ang ilang magkakaibigan nang tangayin ng malaking alon si Mark Maravilla, 23.
Tinangkang iligtas si Maravilla ng kaibigang si Christopher Javier subalit maging ito’y nalunod din.
Samantala, sa Real naman, isang bata ang nasawi sa pagkalunod habang sa Infanta ay hindi napansin ng mga biktimang sina Jonas Mercado at Jeffrey Murio ang pagtaas ng tubig dahilan upang sila’y mahirapang makabalik sa pampang at malunod.
The post 4 patay sa pagkalunod sa Quezon appeared first on Remate.