Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Spanish nat’l, mag-asawa nadakma ng PDEA

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang Spanish national at mag-asawa sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpapatupad ng search warrant operation sa Baggao, Cagayan at Cagayan de Oro City nitong nakalipas na Abril 15, 2014, Martes.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Diego Carrasco, 54, isang Spanish national, may-asawa, tubong Marbella, Spain at residente ng Zone 1, Lasilat, Baggao, Cagayan, Emily Refuerzo, 36, businesswoman, at asawa na si Frank Refuerzo, 48, automotive mechanic, kapwa nasa target-listed drug personalities ng PDEA at residente ng Zone 4, Logpond, Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Ayon sa PDEA, dakong 8:30 ng umaga nadakip ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Regional Office 2 at Regional Intelligence Unit (RIU) ang mga suspek sa ginawang paghahalughog sa bahay ni Carrasco sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Vilma T. Pauig, Presiding Judge of Regional Trial Court (RTC) Branch 2, Baggao, Cagayan.

Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang puno at mga pinatuyong dahon ng marijuana at fruits tops na tinatayang 20 grams sa loob ng bahay ni Carrasco.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 15 (Use of Dangerous Drugs), at Section 16 (Cultivation of Plants Classified as Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, na mas kilala sa the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Carrasco.

The post Spanish nat’l, mag-asawa nadakma ng PDEA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>