NATAGPUAN ng mga awtoridad ang ginamit na getaway vehicle ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) na pumatay sa alkalde ng bayan ng Gonzaga, Cagayan kaninang umaga.
Sa ulat ng information officer ng municipality of Gonzaga, nakuha ng mga pulis sa bulubunduking bahagi ng Barangay Iska ng nabanggit na bayan ang naturang sasakyan.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng hot pursuit operation ang awtoridad sa mga suspek sa bundok at nakatakda ring tumulong ang chopper na paparating na sa naturang lugar upang mapabilis ang pagtugis sa mga rebelde.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang 16 na basyo ng M16 rifle.
Samantala, sinusuri na rin ng pulisya ang nakuhang CCTV footage sa munisipyo ng Gonzaga upang malaman kung ano talaga ang nangyari bago pinagbabaril ang alkalde.
Pinaslang ang Gonzaga town mayor na si Carlito Pentecostes, Jr. habang nagsasalita sa idinaraos na flag raising ceremony kung saan lumapit ang isang grupo na nakasuot ng camouflage at pumuwesto sa likuran ng alkalde.
The post UPDATE: Getaway vehicle na ginamit sa pagpatay sa Gonzaga mayor, narekober appeared first on Remate.