Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binatang ayaw sa sabong, pinagsasaksak

$
0
0

KRITIKAL ang isang binata nang pagsasaksakin ng sabungero makaraan magsuntukan nang hindi pumayag ang una na ilaban ang panabong ng kaibigan sa manok ng huli sa Valenzuela City, Lunes ng hapon, Abril 21.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital (VGH) sanhi ng mga saksak sa katawan si Felipe Leyes, Jr., 28 ng Malinis St., Lawang Bato ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Edilberto Sarmiento, 57, kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-4 ng hapon, dala ng biktima ang panabong ng kaibigan hanggang sa dumating ang suspek at maghamon ng sabong.

Tumangging ilaban ng biktima ang dalang panabong dahilan upang magalit ang suspek na nauwi sa suntukan.

Naawat naman ang suntukan at umuwi ang suspek, subalit makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito na may dalang patalim at pinagsasaksak ang biktima.

Dinala ang biktima sa ospital habang nadakip ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.

The post Binatang ayaw sa sabong, pinagsasaksak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>