APAT ang sugatan makaraang magsuwagan ang dalawang bus at nadamay ang isang pribadong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang umaga, Abril 23, Miyerkules.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Jollyann Ayudan, 28, ng Block 18, Tower Lot 7, Tower Ville, Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan; Flora Gahup, 37, housewife, ng 97 Phase 4, Package 7, Block 61, Lot 9, Brgy. Bagong Silang, Caloocan City; Ma. Crisdan Malubago, 21, ng Lot 29, Sumaling St., Novaliches, QC at Cherry Joy Virgilio, 21 ng Gaya-Gaya, Bulacan.
Ayon sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 5, naganap ang insidente sa Commonwealth Avenue sa harap ng Fairview General Hospital, QC, dakong 5:45 ng umaga.
Nabatid kay PO3 Jonathan Jimenez ng traffic sector 5, tinatahak ng Metro Link bus (TYX-323) ang kahabaan ng Commonwealth Avenue at minamaneho ng driver na si Jimmy Gastuman nang tumbukin siya sa likurang bahagi ng Fermina Express bus na minamaneho naman ni Joven Comon na patungong Fairview matapos iwasan ang isang motorsiklo.
Nadamay ang isang Isuzu sportive (WAO-663) sa naturang aksidente.
Dahil sa aksidente, apat ang bahagyang nasugatan at agad naman isinugod sa malapit na ospital.
The post 2 bus nagbanggaan, 4 sugatan appeared first on Remate.