KALABOSO ang magka-live-in matapos makuhanan ng patalim at shabu sa Valenzuela City, Martes ng gabi, Abril 22.
Nahaharap sa kasong illegal possession of dangerous drugs si Ligaya Ramos, 37, habang nadagdagan ng kasong illegal possession of deadly weapon si Joey Reyes, 30 kapwa ng Lamesa St., Ugong, ng lungsod.
Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa iligal na droga sa nasabing lugar nang mamataan si Joey na tangan ang patalim na naging dahilan upang sitahin.
Nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu, pati ang katabing si Ligaya ay nakuhanan din ng isang shabu dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng mga nasabing kaso.
The post Magka-live-in timbog sa patalim at shabu appeared first on Remate.