Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mga ‘armadong Pinoy’ inaresto sa Sabah

$
0
0

NAGPADALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng police attaché sa Malaysia upang makipag-ugnayan sa Kuala Lumpur kaugnay sa napaulat na may mga armadong grupo ang inaresto sa Sabah.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, kinukumpirma pa ng kagawaran kung mga Pilipino ang mga hinuling armado na sinasabing galing sa Mindanao.

Sinabi pa ni Hernandez na naghihintay pa ng ulat si Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario mula kay Philippine Ambassadorto Malaysia Eduardo Malaya kaugnay sa ipinadalang fact-finding team sa Sabah.

Kabilang sa kinukumpirma ay ang balitang miyembro ng pamilya ng Sultanate of Sulu ang mga inarestong grupo.

Una nang inihayag ng national police chief ng Malaysia na iligal na pumasok sa Sabah ang mga armadong lalaki. Ayon sa report, nanggaling umano sa Mindanao ang mga armadong grupo.

Lumalabas din sa lumutang na balita na ang nasabing grupo ay mga kamag-anak ni Sultan Kiram na umaangkin sa Sabah na nag-recruit ng mga tao na pinangakuan ng lupa mula sa isla Simunul at Sitangkai sa lalawigan ng Tawi-Tawi.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>