Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lechon shop, target na rin ng kawatan

$
0
0

HINDI lang mga LBC branches, kundi maging ang mga lechon shops sa Quezon City ay target na rin ngayon ng mga kawatan, ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).

Nito lamang nakaraang Linggo, natangay ng riding-in-tandem ang halagang P60,000 sa Elarz Pambansang Lechon sa may Barangay Loyola Heights, QC.

Ayon kay PO2 Marianito Sagucio, Jr. ng  Anonas Police Station, naganap ang insidente dakong 3:25 p.m. sa Xavierville Avenue.

Bago ito, pumasok ang isang nagpanggap na kustomer at umorder ng isang lechon pero imbes na pera ay baril ang kanyang inilabas at inatasan ang babaeng cashier na ibigay ang lahat ng kinita.

Lumabas agad ang kawatan at sumakay sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang kasabwat at saka tumakas.

Nito lamang nakaraang Sabado ng umaga, hinoldap ang isang LBC branch sa may Cubao, QC at nakatangay ng hindi pa malamang halaga ng pera.

Pinagbabaril at napatay ang isang guwardiya na si Rhom dela Cruz nang habulin nito ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

The post Lechon shop, target na rin ng kawatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>