ISANG bangkay ng bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig sa Sta. Ana, Maynila kaninang madaling-araw.
Inilarawan ang sanggol na may ilang araw pa lamang na ipinanganak, nakabalot sa puting lampin at halos namamaga na dahil sa pagkababad sa tubig.
Alas-2:30 kaninang madaling-araw nang matagpuan ang sanggol na palutang-lutang sa ilog sa likod ng Unit 32, Euro Village sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon naman kay Jonathan Muccio, nakatayo siya sa gilid ng sementadong railing ng ilog habang naninigarilyo nang mapansin ang bangkay ng sanggol.
Agad niya itong itinawag sa Sta. Ana Civic Development Association (SACDA).
The post Bangkay ng sanggol lumutang sa Ilog Pasig appeared first on Remate.