NALAGAS sa aksidente ang isang magkaibigan nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na UV express van sa Quezon City kaninang umaga, Abril 30.
Dead-on-the spot sanhi ng tama sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Ronnie Barantes at Eduardo Ungca, Jr.
Hawak na ng QCPD-Traffic Sector 5 ang suspek na si Albert Morines, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:45 ng umaga sa Payatas Road, QC.
Ayon kay SP03 Jonathan Jimenez, ng QCPD traffic sector 5, bago ang insidente ay lulan sa motorsiklo ang mga biktima pero pagsapit sa lugar ay biglang sumalpok sa kasalubong na UV Express van na minamaneho ni Moriones na papunta ng Montalban.
Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon sa ere ang dalawang biktima at kahit nakasuot ng mga helmet ay nabasag pa rin ang kanilang bungo.
Sinabi naman ni Moriones na may nakasalubong siyang van nang mag-overtake motorsiklo sa pababang bahagi ng kalsada kaya hindi na niya naiwasang matumbok ang naturang van.
The post UV express van vs motor, 2 tigbak appeared first on Remate.