KRITIKAL ang lagay ng isang floor manager ng videoke bar matapos patraydor na saksakin ng langong boy ng club kaninang umaga sa Gov. Pascual St., Brgy. Acacia, Malabon City.
Nakaratay pa sa Tondo General Hospital (TGH) si Rene Flores, 33, manager at stay-in ng Silip KTV bar sa nasabing lugar sanhi ng isang saksak sa likurang bahagi ng tagiliran.
Sa follow-up operation, nadakip naman ang suspek na si Marvin Dumagay, 23, stay-in boy sa nasabing KTV bar.
Ayon sa ulat, alas-9:40 kaninanag umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Silip KTV bar sa nasabing lugar.
Nabatid na nagalit ang suspek ng paratangan ng una na nang-umit ng kanyang pera.
Dahil dito, inabangan ng suspek ang paglabas ng biktima saka sinaksak sa likurang bahagi ng tagiliran bago tumakas.
The post Bintangerong manager, tinarakan ng boy appeared first on Remate.