Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Rider itinumba sa Malabon

$
0
0

PATAY ang isang rider nang sumemplang ang motorsiklo nito matapos barilin ng hindi pa nakikilalang riding–in-tandem, gabi ng Mayo 10, sa MH del Pilar St., Maysilo, Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) si Edward San Andes, 34, ng Yanga St., Maysilo, sanhi ng pagkabagok ng ulo at isang tama ng hindi pa batid ng kalibre ng baril sa kanang bahagi ng balakang.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Sa imbestigasyon, 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa Shell gasoline station sa nasabing barangay.

Sakay ang una ng motorsiklo nang paputukan ng mga suspek bago nagsitakas.

The post Rider itinumba sa Malabon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129