Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Parak tigbak sa ambulansya sa Naga

$
0
0

SINUWAG ng humaharurot na ambulansyang may sakay na babaeng manganganak ang isang pulis na lulan ng motorsiklo sa Naga City kaninang madaling-araw, Mayo 12.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si PO1 Christopher Bagasala, 31, miyembro ng PNP Aviation Security sa Naga Airport.

Sumuko naman agad at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Lorenzo Bilono, drayber ng LGU del Gallego at residente ng Panganiban Drive.

Sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng compound ng Bicol Medical Center sa Naga City.

Bago ito, sakay ni Bilono sa kanyang ambulansya ang isang ginang na manganganak na.

Kaya para mapadali ay idinaan ni Bilono sa exit area ng naturang ospital ang kanyang humaharurot na ambulansya.

Lingid kay Bilono, eksaktong palabas naman ang motorsiklo ni Bagasala kaya sa hindi inaasahang pangyayari ay inararo ito ng naturang ambulansya.

The post Parak tigbak sa ambulansya sa Naga appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129