Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Granada sumambulat: 4 todas, 4 sugatan

$
0
0

PATAY ang apat katao kabilang ang dalawang bata at apat din ang sugatan makaraang sumabog ang isang granada sa Negros Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Karen Tangian, 11; Mary Michelle Tangian, 5, at ang kanilang ama na si Melvin Tangian at si Dagul Domingo habang kasalukuyang ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital sa Bacolod City sina Marilou Bustamante Tangian, 39, ina ng dalawang bata na namatay, ang mga anak nitong sina Kevin, 3; Rica, 8, at Melvin Jr., 10.

Sa salaysay ni Barangay Chairman Ruby Libuna, nangyari ang insidente alas-12:00 ng hatinggabi matapos lasing na pumasok sa bahay ng pamilya Tangian ang suspek na si Domingo na isa rin sa mga namatay na may dalang granada.

Ayon pa kay Marilou, nag-uusap ang kanyang asawa at si Domingo sa itaas ng kanilang bahay nang biglang may naghagis ng granada.

Sinasabing tumalon pa si Domingo ngunit nahulog ang dala nitong granada dahilan upang sumabog din na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Lumabas ang impormasyon na kagagawan ng anak ni Domingo at pamangkin nito ang paghagis ng granada mula sa labas ng bahay na tumakas kaagad matapos ang insidente.

The post Granada sumambulat: 4 todas, 4 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>