TODAS ang isang piskal makaraang tambangan sa Marawi City kaninang alas-12:05 ng tanghali, Mayo 19.
Kinumpirma ni Prosecutor General Claro Arellano ng National Prosecution Service na ang namatay ay si Saipal Alawi.
Ayon kay Arellano, galing sa opisina ang prosecutor at pauwi na sana sa kanilang tahanan nang tambangan ng hindi pa nakilalang suspek.
Kasalukuyan pang inaalam ang detalye ng krimen habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.
The post Piskal todas sa ambush sa Marawi City appeared first on Remate.