SA kamay ng sariling pinsan natapos ang buhay ng 29-anyos na lalaki nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon makaraang maungkat ang matagal na nilang alitan kagabi sa Taguig City.
Patay ang biktimang si Cicero Cruz, sanhi ng isang tama ng malalim na saksak sa dibdib.
Kaagad namang nadakip ang suspek na si Cristobal Japa, 33, matapos ang isinagawang follow-up operation.
Sa imbestigasyon, nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Visayas St., Zone 6, Signal Village ang biktima alas-9:27 ng gabi nang lapitan at komprontahin ng suspek.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa kaugnay sa matagal ng alitan hanggang bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib ang pinsan.
Sa pahayag naman ng isang Ronelo Laraya, hepe ng BSF sa naturang barangay, nasangkot na rin sa kaso ng pananaksak ang suspek, may ilang taon na ang nakalilipas kung saan ang kanyang biniktima ay isa rin niyang kaanak.
The post 29-anyos utas sa nakaaway na pinsan appeared first on Remate.